Anniversary na pala ng organization ko sa UP nung Friday. Nag-anniversary dinner kami sa Balay Kalinaw.
Happy 30th year anniversary, UP Communication Research Society! It was an honor to emcee a very inspiring and fun event. Ang saya!
Then we went to Drews (Katips) para uminom at magcelebrate. Saya ulit. Learned a lot of things. At siempre, pinaratangan pa raw ako na "flirt" ng mga kaibigan ko. So binakuran nila ako at hindi pinapaihi ng mag-isa. Ayaw pa nila akong patayuin sa lamesa. Sabi kasi nila, people were checking me out... Siguro naka-pink na polo lang kasi ako nun tapos naka neck-tie.
Tapos McDonalds. Tapos tulog kila Rai.
Sabado na...
Tapos, without ligo, pumunta na ako sa group meeting namin for our Communication Research 180 paper. Saya! Ang bantot ko na. Pero meeting pa rin. Una, sa College of Mass Communication. Tapos, Bo's Katipunan.
Marami namang nagawa. Naulit ulit yung topic na flirt raw ako. Sabi ni Briggs, "over-friendly" raw ako and people mistake it for something else.
Ang ganda ni Cathy. Nakakadistract. Can't help but stare nung nangkakadiscussion kami. Earlier that day, may photo shoot sya for Nescafe. Iba talaga ang batchmates ko.
May napag-usapan rin. Hay nako. Minsan mas minamabuti ko na lang manahimik. Hehe. Contrary to what some people believe, may discretion rin ako.
Then somebody paid me a visit sa Bo's. Naka-pink rin sya. Cute. More hugs kapag nakaligo na ako.
Napapangiti tuloy ako.